Garin: Problema sa Philhealth, Nagsimula Noong Panahon Ni Risa

Itinuturo ngayon ng dating Department of Health Secretary na si Janette Garin si Senador Risa Hontiveros na syang nagpasimuno ng kasalukuyang iskandalo sa PhilHealth.

Bago pa man naging senador, si Hontiveros ay naging opisyal ng Philhealth at nauna nang inakusahang lumustay ng milyong milyong pondo nito.

Loading...
Sa panayam kay Garin ng CNN, sinabi ng dating kalihim na gumaya lamang ang mga matataas na opisyal ng Philhealth kay Hontiveros.

Matatandaang ilan sa mga doctor at opisyales ng Philhealth ang kumikita ng mula P16,000 hanggang P32,000 sa bawat illegal na transsaksyon kasabwat ang ilang ospital sa Maynila.

Sinabi ni Garin na nagawa lamang ito ng mga naturang opisyal dahil ginaya nila diumano ang ginagawa ni Hontiveros.

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte noong lunes ang mga naturang opisyal kasunod ng pagka diskubre sa malaking iskandalo.

Loading...

Comments

Post a Comment